doihave2join

Levels

Levels

Labintatlong Bagay: Wishlist ko para sa Pinoy Music - 10 years from now

Bago tayo magsimula, tatlong intro muna
Una: Hello! hehe antagal kong di nakaPag post. pasensya na sa tatlong tao na sumusubaybay
Pangalawa: Pansin nyo naman siguro na iniba ko na ang pangalan (from Trese). para di magkalituhan sa mga fans nung malupet na comics
Pangatlo: Bakit 10 years from now pa? Kasi di naman pwedeng madaliin ang mga bagay bagay. Lalo na kung ganito kalaki. So ano, game?

Wishlist ko para sa Pinoy Music - 10 years from now

1. Meron na tayong sarili nating version ng  Grammy’s. Yung inaasam na mapanalunan ng lahat ng artists, yung pinapanood ng halos lahat na Pilipino.
2. Ang mga sikat na artists nung 70’s, 80’s at 90’s ay andyan pa rin. Pero bago na mga kanta nila. Para yan sa mga dati at bago nilang mga fans
3. Ok lang kung mag concert pa rin sina Anne Curtis, Daniel Padilla, etc . Basta meron din concert sina Gary Granada, Heber Bartolome atbp.
4. Sikat pa rin ang Christmas in our hearts, Pasko na Sinta ko, Sana ngayong Pasko at Fruitcake tuwing pasko
5. Mas dadami pa ang mga malulupet na music videos ng mga Pinoy Artists
6. May covers/revivals pa rin. Pero mas maaAppreciate na natin sila kasi paminsan paminsan na lang gagawin yun, at malulupet na versions na lang ang marininig natin.
7. Pagtatawanan na lang natin ang mga artista na may album (unless malupet naman talaga)
8. Ang Eraserheads reunion concerts ay magiging Eraserheads Festival na lang. Kung saan tutugtog ang lahat ng mga banda na kinabibilangan ng mga dating member ng Heads
9. Wala na masyadong haters. Kesa sabihin mong: baduy, mababaw o basura, igalang na lang natin. Kanya kanya naman tayo ng taste e
10. Sabay lang tayo sa evolution ng technology in terms of selling and buying albums/singles
11. Mas marami at accessible na artists’ merchandise (clothes, accessories, etc)
12. OPM will be a thing of that association of Filipino artists. Wait lang, bago ‘nyo ko awayin, may maganda akong dahilan. pakibasa sa #13
13. Filipino Music will be the default music here in our country. Di na kelangan ng label. Pag sinabing music, o songs, gawang pinoy agad ang maiiisip ng lahat. Yung Foreign songs, yun yung dapat mas mahirap hanapin.

Ikaw, ano wish mo? Share mo na dito:
doihave2join@gmail.com
twitter.com/doihave2join
#pinoyMusicWishList

Trese: 13 things about the movie On The Job

…and we’re back! Matagal tagal na rin tayong walang trese. Pero di ko mapalampas yung pelikulang ‘to e kaya eto na:

* Disclaimer: I do not own this image. Source: http://www.starcinema.com.ph

1. Inspired By True Events. Yan ang sabi ng pelikula. Halos lahat naman tayo e nakakaalam na tungkol ‘to sa kabulastugan ng gobyerno natin. Napapanahon.

2. Ang sarap sa mata! Kung di ako nagkakamali, mukhang digital HD to. sarap tingnan ng mga kalsada ng Metro Manila

3. Guys, OTJ, hind OJT

4. SPOILER ALERT: Ang pogi ni Piolo dito. iwasang tumili sa kilig

5. Kung naiintindihan mo kung gaano kaAstig na isa sa mga bida dito si Joey Marquez, e matutuwa ka sa iba pang mga cameos sa pelikula

6. SPOILER ALERT: Shaina Magda… woah

7. Kung nanonood ka ng NCAA and/or PBL last decade e may sorpresa ang OTJ sa’yo

8. Makatotohonan ang mga lugar. Ang squatters’ area, ang mga opisina at presinto, ang hospital

9. Ang pamilya ni SPO1 ay isang halimbawa ng pamilyang Pilipino

10. Hanep ang storytelling. May pagka kontra tyempo na nakakabitin at nakakagulat. basta ang hirap ipaliwanag

11. Konti lang yung musika pero sulit na sulit na sa pagiging effective. Sarap mapakinggan uli ang isang lumang kanta ni Francis M

12. Best Actor: Joel Torre. Taas kamay po sir! Parang ansarap tuloy kumain sa JT’s

13. This movie is so good it will leave a bad taste in your mouth

The field versus the city

Trese: 13 things I can say about the movie: It takes a Man and a Woman

Dahil 2 weeks na since pinalabas ‘to at available na rin sya online (tsk tsk tsk), Pwede na tayong gumawa ng entry about the movie. Bihira lang ako ako magsulat tungkol sa pelikula kaya sana e mag enjoy kayo.


1. Solid yung plot. Walang iniwang butas. Di mo na kelangan magtanong kung bakit sila naghiwalay, paano nagkaroon ng ibang babae, etc. galing!

 

2. Actually, may isa lang palang naiwang tanong para sa akin: Asan na ang mga medyas si John Lloyd?

 

3. As usual, the classic Star Cinema formula: perfect casting sa supporting cast. And this movie is even better kasi sakto din ang casting ng mga bida.

 

4. Uso sa mga romantic pinoy films yung pupunta sila sa ibang bansa tapos magiging Travel Channel na yung pelikula. Dito, hindi na nila nilibot yung NY, which is good. nag focus lang sa storya

 

5. A movie that could make you laugh AND cry is always a good movie

 

6. Isa pang cliche na hindi nila ginawa e yung pasamain yung “other woman”. Again, maganda yun. Minsan kasi talaga e may mga naloloko lang at naiiwan ng bida kahit di naman masama ang ugali nila.

 

7. Di ko maalalang ganun pala kadami mga kapatid ni Laida

 

8. Di ko maalalang may Ate pala si Miggy

 

9. Best line in the movie: “Laro tayo ng Taguan. Taguan ng feelings”

 

10. Magandang trilogy/franchise. Wag na lang sanang masusundan ala MMFF

 

11. For a sequel, mukhang pinag isipan talaga at pinaghandaan yung pelikula. hindi lang basta para iExtend yung franchise

 

12. So naiintindihan ba nung mga kano yung speech ng tatay ni Miggy sa video?

13. “Kailan” is playing in my head the whole time I was writing this.

Trese: 13 awesome Imago songs with Aia de Leon

Kung di mo pa alam, umalis na si Aia sa Imago (story here). It would be weird the next time we hear Imago without her or hear her without the band but I wish them all the best. If this move will improve the already awesome music scene, then I am all for it


1.Rainsong

http://www.youtube.com/watch?v=y2p9ZUfDG2M

 

2.Alay

http://www.youtube.com/watch?v=8Ybi2GxkoFk

 

3.Idlip

http://www.youtube.com/watch?v=vKPBLdDPAQo

 

4. Akap

http://www.youtube.com/watch?v=gJFna2eRLD0

 

5.Taning

http://www.youtube.com/watch?v=jWtGxNU9rlk

 

6. Anino

http://www.youtube.com/watch?v=72-lSbGMSqU

7.Sundo

http://www.youtube.com/watch?v=VGlG2IHcM20

 

8.Under Repair

http://www.youtube.com/watch?v=BenmirhQE6Y

 

9.Tara Lets

http://www.youtube.com/watch?v=uiDyewe-990

 

10. Huling Yakap ng Mundo

http://www.youtube.com/watch?v=z0TF8vEQgAQ

 

11.Effect Desire None

http://www.youtube.com/watch?v=2lOrULE-dmQ

 

12. Ewan (cover)

http://www.youtube.com/watch?v=yzH7viDLGe0

 

13. Spolarium (cover)

http://www.youtube.com/watch?v=B8dZcFx85rE